By JUN NARDO
Nag-apologize publicly ang sikat na PBB Alumnus na si Shuvee Etrata nang kumalat ang lumang video niya kung saan umano ay pinakita niya ang suporta kay former President Rody Duterte.
Ayon sa post ni Shuvee sa kanyang Instagram stories, natuto na raw siya sa
ginawa niya noon.
Ang focus na daw niya nga is, “Mahalin ang bayan at manindigan laban sa
sumisira tulad ng korapsiyon.
“Natuto na ako…I will continue to learn and grow. Mahal ko kayo at mahal ko
ang Pilipinas lalo na sa panahon ngayon,” diin pa ni Shuvee.
Sinusubaybayan!
Patok ang ongoing hearing sa Senado tungkol sa flood control mess.
Mala-teleserye na may mga pasabog bawa’t hearing, huh!
Ang classic na statement nitong mga nakaraang araw na tuluyan na ngang nag-
viral sa social media e, ang pahayag ni Senator Erwin Tulfo na, “sometimes we have to bend the law” para pumabor umano sa mga tao.

Siyempre, against the law ito. No one is above the law nga di ba? Amendment ang kailangan kung gusto mo baguhin ang existing law sa paningin mo ay dapat. At dadaan ito sa mahabang proseso.
Oo, mahirap pero sabi nga sa legal maxim, “Dura lex sed lex” or in English, “the law maybe harsh, but it is still the law!”
O, alam namin, huh!
