Factory worker, wagi sa ‘It’s Showtime’!

Tempo Desk
1 Min Read
Nakuha na ang inaasam-asam na P650,000 jackpot prize sa ‘Laro Laro Pick’ ng “It’s Showtime” matapos masagot nang tama ng contestant at factory worker na si Khen ang tanong sa jackpot round.
Wala ngang pag-aalinlangang sinagot ni Khen ang tanong ni Vice Ganda kung sino ang kasalukuyang Senate President Pro Tempore ng bansa sa segment ngayong araw (Set. 22). Sagot niya ay si Sen. Ping Lacson.
Labis nga ang pasasalamat ni Khen sa bumubuo ng programa at hosts nito sa pagbibigay tsansa sa kanya na sumali sa naturang segment.
“Maraming salamat po sa Showtime, sa lahat ng bumubuo. Maraming-maraming salamat po makakauwi na ko sa amin,” saad niya.
Ibinahagi ni Khen na malaking tulong ang premyo lalo pa at baka ito ang maging tulay para mabuo ang kanilang pamilya at mabayaran ang kanyang pagkakautang.
Ang kanyang pagkapanalo ay  maituturing na isang halimbawa sa patuloy na misyon ng programa na hindi lang maghatid ng kasiyahan kundi tumulong din sa madlang people.
Umeere ang “It’s Showtime,” 12 NN mula Lunes hanggang Sabado, sa GMA, A2Z, Kapamilya Channel,Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWant app o iwanttfc.com.
Share This Article