Dasal para kay Ate Gay

Tempo Desk
1 Min Read

By DELIA CUARESMA

Parang biro kung pakinggan, pero hindi ito palabas. May cancer si Ate Gay.

Kilala sa tunay na buhay bilang Gil Morales, kumakapit ngayon sa panalangin ang komedyante.

Si Allan K ang nagsiwalat ng malungkot na balita nito lamang sa isang  performance sa kanyang Clowns Republik Comedy Bar.

Aniya, may “Pallid tumor mucoepidermoid cancer versus squamous cell carcinoma” si Ate Gay, isang bihirang sakit sa salivary glands.

“Noon pa, gusto ko nang magpa-benefit show, siya lang ang ayaw. Ayaw niyang makaistorbo. Ganyan si Ate Gay—palaban pero ayaw umasa,” wika ni Allan.

Ngunit dumating ang sandaling kinailangan ding umamin ang laging matatag na si Ate Gay.

“Baka may kilala kang magaling na dalubhasa na puwedeng mag-opera,” text daw ni Ate Gay sa kanya. “Sabi ng doktor ko, incurable na. Pa-sponsor naman ako. Gusto ko pang mabuhay.”

Sa social media, dagsa ang mga kaibigang nagpadala ng lakas ng loob.

Si Boobay naghayag ng panalangin sa Jeremiah 30:17; si Sugar Mercado, may dalang mensahe mula sa Isaiah 41:10.

Dasal namin ang paggaling ni Ate Gay.

TAGGED:
Share This Article