Tuloy ang tawa para kay Rufa Mae

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

Marami ang nagtataka kung bakit tila itong si Rufa Mae Quinto e, normal na normal pa rin pagdating sa pagpapatawa mapa-TV man o social media, kahit nga kamamatay lang ng kanyang asawang si Trevor Magallanes only a few months ago.

Ani Rufa sa kanyang vlog e, ito ay dahil ayaw niyang magmukmok.

“Kaya siguro yun ang isang reason kung bakit gusto kong magtrabaho kasi nga ang hirap magmukmok, magluksa. Kaya gusto kong magtrabaho para mag-isip ng funny, ng jokes para tumawa.”

Dagdag pa niya, “Kaya nakikita n’yo rin ako na tumatawa-tawa kasi gusto ko ring maging masaya, para sa energy ko rin para makuha rin ng anak ko. Kasi ako lang ang inaasahan niya na physically present. Kung makikita niya ako na walang katapusan, 24 hours na nagmo-mourn, umiiyak, e, umiiyak na
rin siya.”

Pero naka-itim naman siyang humarap sa camera bilang tanda ng pagdadalamhati.

“Kaya naka-black po ako kasi nagluluksa ako. Nagdadalamhati bilang asawa, bilang may anak kami na innocent,” wika niya.

Alam niyang ang kanyang anak ang unang maaapektuhan kung lulubog siya sa kalungkutan.

“Kasi ayoko pong umabot ako sa lugmok na lugmok sa kalungkutan dahil sudden death po ang nangyari, diin pa niya.”

Sa kabila ng mga haka-haka, nilinaw ni rufa Mae, “Wala pong suicide o foul play na nangyari sa asawa ko.”

Para kay Rufa Mae, ang pagtawa ay hindi pagtakas sa sakit kundi isang paraan upang manatiling matatag hindi lang para sa sarili, pero mas higit pa e, para sa anak at sa kanilang kinabukasan.

Share This Article