By DELIA CUARESMA
Bumanat muli ang walang magawang si RR Enriquez!
This time, ang pinuntirya niya ay ang Kapuso star na si Sanya Lopez – specifically ang ilong nito!
Sa kanyang Instagram story, diretsahan niyang tinawag ang pansin ni Sanya tungkol sa “hindi pantay” na pagkakagawa diumano ng ilong nito!
Ouch, huh!
Aniya, “Sanya, utang na loob. Ipaulit mo ang nose mo. Hindi pantay.”
As if as proof e, nag-post pa siya ng litrato ng aktres.
Siyempre pa, may depensa si RR sa kanyang ginawang pagpapapansin.
Diin niya, hindi raw ito body shaming. Concerned friend lang daw kuno siya.
“Hindi ‘yan panlalait. Concern ako. Nakakainis ‘yung doktor mo. Nilaro ka,” rason nga niya.
Of course, maraming sawsawero at sawsawera na agad sumali sa isyu.
Ang iba, sang-ayon sa tinuran ni RR at sabing “true” raw ang observation.
“Gone wrong ang nose, kamukha na ni Ynez Veneracion,” hirit ng isa.
Pero may mga ayaw rin sa kanyang ginawang panghihimasok: “Sanya doesn’t need your unsolicited advice. Keep that to yourself,” sey ng defender ni Sanya.
Pero, in fair, matagal nang napaguusapan ang mga pagbabago sa hitsura ni Sanya mula ng pumasok siya sa showbiz.
Sa pag-iingay ni RR e, mas lalo pang umingay ang intriga.
As of chika time, tahimik pa rin si Sanya, walang reaksyon, walang patol. Habang ang mga Marites, todo analyze kung retoke nga ba o camera angle lang.
