By JUN NARDO
Time out last Friday ang incumbent Batangas Governor na si Vilma Santos Recto bilang Ina ng lalawigan upang daluhan ang paglulunsad ng libro niyang “Vilma Santos, Icon: Essays on Cinema, Culture and Society” sa International Book Fair sa SMX Convention Center.
Ito ang unang libro tungkol kay Ate Vi na edited ng scholars na sina Augusto Antonio B. Aguila at Joselito B. Zulueta and published by UST Publishing House.
Isusunod rito ang isang coffee table book at filmography niya.
Of course, marami pa rin ang nagaabang sa pelikulang gagawin niya. Meron nga ba?

“May meetings na nagaganap,” sambit sa amin ni Ate Vi ng amin siyang makapanayam. “Good story, casting. Pero ayoko munang magbgay ng detalye.”
Diin pa ng Star For All Seasons e, pinaalam niya ito sa mga constituents niya sa Batangas.
“Nagpaalam na ako sa Batangas na maski isang movie e, payagan akong gumawa,” aniya pa.
Tinanong namin si Ate Vi kung na umiinit pa ba ang ulo niya lalo na sa mga bashers at haters sa social media.

Sagot niya, “I will be very, very gracious to you but don’t push me too hard!”
“You may not like me when I’m mad! Scorpio ako. Kilala mo ako, Jun. Sa ‘Vilma’ (dating show niya on TV) nagwo-walk out ako! Pero nag-mellow na ako. Nag-mature. Pag umiinit ang ulo ko kasi, bumababa immune system ko. Ako ang tinataaman. E, hindi ako ang kaaway ko! Para paproproblemahin ko ang sarili ko, it’s not worth it!”
Dagdag pa niya, “Ang motto ko ngayon, if you don’t like me, I don’t like you! If you love me, I love you too!”
Sa isyu ng korapsyon na matinding pinauusapan ngayon, ani Ate Vi, nalulungkot rin siya gaya ng marami. Sana nga raw e magkaroo ng kasagutan at solusyon ito sa lalong madaling panahon.
