Heart Evangelista, nakahanap ng kakampi!

Tempo Desk
2 Min Read

BY JUN NARDO

Nakahanap ng knight in shining armor ang aktres na si Heart Evangelista, huh!

Sa gitna ng kabi-kabilang pagbabatikos sa kanyang magarang lifestyle, na ayon sa iba e, courtesy of her husband, Sen, Chiz Escudero, tumayo ang batikang manunulat na si Ramon Tulfo para kay Heart.

Anito, “Leave her alone! Heart Evangelista is a billionaire in her own right as she comes from the wealthy Ongpauco clan that owns the Barrio Fiesta chain of restaurants.”

“Before she got married to Chiz Escudero, Heart was earning oodles and oodles of money as a movie actress and influencer,” ang pahayag pa ni Tulfo.

Kung bakit niya alam e, ani Tulfo, ito ay dahil kaibigan niya ang tiyuhin ng aktres.

Diin niya, “The money she spends is her own, not Chiz’s. I should know, I’m a friend of her uncle Rod Ongpauco.”

Sa computation ng netizens, mahigit 50 ang endorsements ni Heart plus iba’t-ibang brand collab pa. Tapos may negosyo pang iba plus, plus, plus na pinagkakakitaan.

Nagtataka nga ang nakakakilala sa showbiz kay Chiz kung paano ito matitsimis na sinusunod ang luho ng misis e, kilala siyang kuripot, huh!

Bigay-pugay!

Nagbigay-pugay si Batangas province Vilma Santos-Recto kay Mama Mary na sini-celebrate ang birthday September 8.

Pagkatapos ng flag ceremony kahapon sa Batangas City Hall, binigyang parangal ni Gov Vilma ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan na apat na dekada nang naninilbihan sa lalawigan.

Ngayong Biyernes naman e, may book signing siya for “Icon” sa gaganaping book fair sa SMX Convention Center.

Ang “Icon” ay tungkol sa karera at buhay ni Vilma na karapat-dapat magkaroon kayo ng kopya!

 

Share This Article