By DELIA CUARESMA
Usap-usapan ngayon sa social media ang tungkol sa diumano’y hiwalayan ng “It’s Showtime” host na si Ryan Bang at ang non-showbiz fiancée niyang si Paola Huyong.
Nagsimula ito ng mapansin ng ilang eagle-eyed netizens ang biglang pagkawala ng engagement photos nila sa Instagram ni Paola!
As in, walang bakas! Parang naglaho na parang bula.
Samantalang sa IG ni Ryan, nando’n pa ang mga couple pics nila.
Hmmm…anyare?
Mas lalo pang lumakas ang intriga nang kumalat ang sightings na wala nang suot na engagement ring si Paola sa mga recent sightings nito.
Dagdag pa ng ilang Marites, may mga “limited comments” daw sa posts ni Ryan—ibig sabihin ba nito, may gustong iwasan?
Hindi rin nakatulong ang mga opinyon ng netizens na talagang nagpatong-patong sa intriga.
May nag-komento pa ng, “She deserves better. Alam niyo naman mga Korean, may attitude minsan.”
Para sa mga hindi nakakaalam, Koreano si Ryan.
Hanggang ngayon, dedma pa si Ryan at Paola sa mga bali-balita. Walang official statement mula sa kampo nila. Pero syempre, hindi matahimik ang mga tsismosa’t tsismoso online hangga’t walang linaw.
Matatandaang noong 2024 ay super proud pa si Ryan nang isapubliko ang proposal kay Paola. Kaya naman kung totoo ngang nauwi sa wala ang engagement, malaking plot twist ito sa kanilang love story.
Abangan ang susunod na kabanata mga mars! Baka bukas, may pasabog na!
