By DELIA CUARESMA
Maingay na pinaguusapan ngayon ang mga pasabog na cryptic quotes ng young star na si Bianca de Vera tungkol sa umano’y “betrayal.”
Sa kanyang Instagram, nag-share si Bianca ng text card na agad nagpasiklab ng intriga.
Aniya, “It breaks my heart that the person I thought knew me best can do this to me. Pinagkatiwalaan kita. You are the last person I expected to be this careless.”
Hindi pa siya natapos doon. Sinundutan pa niya ito ng caption na: “Sometimes, the hardest part of friendship is realizing that the people you thought you could trust are the ones who end up breaking it.”
Agad itong pinagpiyestahan ng mga netizens. Marami sa kanila ang na-curious kung sino nga ba ang tinutukoy ng aktres.
Lalo pang umingay nang biglang magparamdam si Will Ashley sa comments section.

Sabi nito: “Biancs, you know I did nothing wrong. I was just trying to help. If you need proof, you’ll see for yourself.”
Siyempre, may mga internet detectives na agad sinuyod ang pinagmulan ng kaguluhan.
Kalaunan, nalaman na ang text card ay galing sa pelikulang “One More Chance.”
Ang tanong: May hugot nga ba si Bianca o promo lang ito para sa upcoming movie niya with Will at Dustin Yu?
In any case, effective ito dahil isang post lang, instant trending at instant chika ang bayan tungkol sa kanilang tatlo!
Bongga!
