Kiko to the rescue!

Tempo Desk
2 Min Read

By JUN NARDO

Nagpaka-knight-in-shining-armor ang senador na si Kiko Pangilinan para sa asawang si Sharon Cuneta matapos umano itong mabastos ng mga anchors ng Net25 show na “Sa Ganang Mamamayan” na sina Nelson Lubao at Gen Subardiaga.

Agad sinita ni Kiko ang Net25 at ang dalawang anchors.

Bahagi ng kanyang post sa social media, “Binastos ng programang ito si Sharon at sinaktan ninyo ang kaniyang kalooban kahit na nananahimik siya at walang kinalaman sa issue ng korapsyon. Ito ba ay upang mapag-usapan at dumami ang inyong viewership?

“ Sharon deserves a public apology from Net 25 and your anchorpersons… Huwag ninyong idinadawit ang mga inosente at binabastos ang mga asawa ng senador na wala naman kinalaman sa mga usapin sa Senado.”

As of press time, nagbigay na ng public apology ang anchors ng programa.

Nag-sorry

Isa pang humingi ng public apology ay ang actor-congressman na si Richard Gomez.

Ito ay matapos ilathala sa social media ang mga pangalan at contact numbers ng ilang journalist na aniya ay nasa payroll ng kanyang mga critics.

Ani Richard “I am sorry, I could have handled it better.”

Tinanggal na rin niya ang nasabing post sa social media.

Bago ito, binatikos siya ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP).

May ilan din na nagbalak na hainan siya ng reklamo sa Ethics Committee ng Kongreso.

Hay, apologies, apologies, anyone?

 

Share This Article