Sharon, detox muna sa social media!

Tempo Desk
2 Min Read

By JUN NARDO

Detox daw muna ang Megastar na si Sharon Cuneta sa social media. Pati raw phone niya ay i-off niya muna and for close family members lang ang tatanggapin niyang tawag.

Ipinaalam ni Shawie ang “bakasyon” niyang ito sa Facebook.

Bahagi ng caption ng Megastar, “I need to detox. So I will be out of touch for several days. My mind and emotions are gonna take vacation from everything extra! Love you all. See you again soon! God bless you always.”

Kailangan bang ma-alarma? Naku, hindi na bago itong detox ni Sharon kaya huwag nating basagin ang trip niya!

Laking pasalamat

Nagpapasalamat ang Viva singer-actress na si Ashtine Olviga kay Andres Muhlach dahil mula nang makapareha sila e, naging bongga ang kanyang career, huh!

Mula sa isang all female group si Ashtine. Gumagawa na riin siya ng TV series at movies. Pero hindi gaanong nagmarka ang pangalan niya.

E, nang ipareha siya kay Andres, nagbago ang ikot ng mundo ni Ashtine. Malaking tulong ang pagsasama nila ni Andres lalo na sa Viva One series na “Mutya ng Section E.”

Now, may movie na sina Ashtine at Andres under Viva Films na “Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna.”

Lutang na lutang ang chemistry ng dalawa sa teaser ng movie na dinirek ni Jason Paul Laxamana. Super kilig nga ang mga fans na binigyan ito ng milyon-milyong views!

Sana nga lang e, mag-translate sa box-office ito. Showing na sa September 24!

Share This Article