By JUN NARDO
Tapos na ang pamimigay ng Famas awards. You may agree or disagree sa set of winners, pero desisyon ng Famas ito at marapat lang na bigyang respeto.
Marami na naman kasing mga nag-iingay ukol sa mga nanalo. Ang sa akin lang, magtayo kayo ng sarili ninyong award-giving body ‘no!
Anyway, masaya kami na finally nakuha ni Marian Rivera ang kauna-unahang Famas award niya as best actress this year for her performance in the hit movie “Balota.” Agree naman ang lahat, di ba?

Take note hindi ito ang first win niya for “Balota.” Tambak na ang acting awards niya for the Cinemalaya movie na hindi rin nagmintis sa box office, huh!
Worth it ang hirap na dinanas niya sa paggawa ng pelikula na lalong nagpatingkad sa husay niya bilang artista.
Present din sa big night ng Famas si Batangas Governor Vilma Santos-Recto na elevated na sa Circle of Excellence ng award-giving body.
Sa mga naghihintay kung may bago siyang pelikula e, konting pasenssya lang muna dahil baka sa susunod na taon na siya marahil mapapanood sa big screen.
Ipinagdiinan niya sa amin na ang Batangas muna ang priority niya sa ngayon.
Oscar contender
Napili ang pelikulang “Green Bones” ng GMA Pictures bilang isa sa mga entries ng Pilipinas sa Foreign Picture category ng upcoming Oscar Awards.
Elusive ang award na ito sa atin kahit na nga sa ibang festivals abroad e nananalo ang ilang pelikulang Pinoy.

Hindi rin naman kasi ganun kasimple ang ma-nominate for an Oscar. Kailangan ng malaking budget para i-promote ito at mahikayat ang mga hurado na bigyan ito ng konsiderasyon.
Kahit may panggastos ang GMA Pictures, mas bongga talaga kapag may government support!
Anyway, good luck pa rin sa “Green Bones.”
