Vic Sotto, tumestigo!

Tempo Desk
2 Min Read

By JUN NARDO

Tumestigo ang aktor at TV host na si Vic Sotto sa Muntinlupa court kaugnay ng kasong cyber libel na isinampa niya laban sa film director na si Darryl Yap.

Ayon sa legal counsel ni Vic na si Atty. Enrique de la Cruz, tumestigo si Bossing na umano’y may malice sa parte ni Yap sa pagpapalabas sa teaser ng pelikula na para bagang ni-rape nito ang yumaong sexy star na si Pepsi Paloma.

Pinamagatang “The Rapists of Pepsi Paloma,” naging kontrobersyal ang teaser ng pelikula dahil sa eksena ni Gina Alajar bilang Charito Solis na kinukumpronta si Pepsi na ginampanan ng aktres na si Rhed Bustamante kung ni-rape siya ni Vic.

“Oo” ang mariing sagot ng character ni Pepsi.

“The script of the movie stated that it was just a ‘publicity stunt’ but that was not mentioned in the teaser video,” ayon kay Dela Cruz.

Tumangging magbigay ng pahayag ang kampo ni Yap.

Kinasuhan si Yap ng libelo sa ilalim ng Artikulo 353 at 355 ng Revised Penal Code, na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ayon sa lawyer ni Vic, sa September 9 ang susunod na hearing.

Makaluma!

In character ang cast ng Viva One series na “I Love You Since 1892” nang humarap sa media last Tuesday upang i-unveil ang official poster ng show.

Bida sa series sina Heaven Peralejo, Joseph Marco at Jerome Ponce mula sa direksyon ni MacArthur Aejandre.

Time travel ang pinaka main theme ng serye na hango sa isang hit novel sa Wattpad. Iikot ang kwento sa character ni Heaven bilang Carmela/Carmelita.

Tuloy ang pagtingkad ng karera ni Heaven kahit hiwalay na kay Marco Gallo, huh!

Aba’y marami silang shippersn i Jerome na para bagang nakalimutan na agad si Marco!

Ngayong September 6 na ito mapapanood sa Viva One.

Share This Article