Maine Mendoza, may inamin tungkol sa kanila ni Alden Richards!

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

Sa wakas, binasag na ni Maine Mendoza ang katahimikan tungkol sa matinding tanong na gumugulo sa AlDub Nation: totoo bang na-inlove siya kay Alden Richards?

Well, hold on to your seats, dahil diretsahang umamin ang Phenomenal Star na YES, nahulog siya sa Asia’s Multimedia Star.

Pero teka lang—bago kayo kiligin, hindi naging sila ever dahil walang ligawan na nangyari!

Sa huling yugto ng “Tamang Panahon” podcast kasama ang Dabarkads, tinira ni Maine ang issue nang walang pasikot-sikot.

“Na-inlove ako sa kanya. Hindi siya nanligaw, walang ganu’n. Alam din niya, very vocal ako sa lahat ng tao pati kay Alden mismo,” chika ng aktres-host na walang paandar, walang paligoy.

At eto pa ang mas maanghang: mismong si Maine ang nagtanong kay Alden kung ano ba talaga ang feelings nito para sa kanya.

Pero ang sagot daw ni Alden? “Hindi ko puwedeng sabihin sa iyo kasi mawawala ang magic.”

Ay naku, mga Marites, kung “magic” lang ang pinairal at hindi “romance,” eh di wow!

Pero para raw kay Maine, wala nang issue. May closure na sila ni Alden, at hanggang ngayon ay magaan ang samahan nila kahit hindi nauwi sa romantikong relasyon.

“Grabe ‘yung relationship din namin ni Alden off cam. Pero may closure naman kaming dalawa. Napag-usapan namin lahat,” ani Maine.

At syempre, hindi nakalimot si Maine na imbitahan si Alden sa Dabarkads podcast para magbigay naman ng sariling bersyon.

Ang kaso, hindi ito natuloy dahil daw sa “prior commitments” ng binata.

Ang tanong ngayon: kung umamin na si Maine, kailan kaya magpapatotoo si Alden?

Share This Article