By DELIA CUARESMA
Mga bosing! Kung katulad ng maraming barako diyan na nangangarap makasama sa road trip ang isang Yen Santos e, may juicy kaming kuwento sa’yo!
Sa kanyang latest vlog, muling hinarap ng aktres ang never-ending chika na kumakapit pa rin sa kanya hanggang ngayon: ang infamous na linya na “Baguio as a friend.”
Sa hindi nakakaalam, nag-ugat ito sa binitawang linya ni Paolo Contis about her joining him in Baguio sa kasAgsagan ng sigalot niya with LJ Reyes, “as a friend.”
Anyway, sa vlog, habang nagda-drive si Yen na parang cool girl sa isang teleserye scene, binato agad ng kanyang kaibigan ang pasabog na tanong ng fans sa social media:
“Pwede ko bang dalhin yung crush ko sa Baguio, pero as friends lang?”
Boom! Medyo natulala pa si Yen bago napatawa.

Birong sigaw niya: “Ano baaaa?!”
Anyway, sumagot din siya eventually.
Aniya, “I’d rather not be part of another Baguio trip like that. Pero kung genuine at walang sablay… bakit hindi?”
Talaga itong si Yen oo, such a tease! Charot!
Sino kaya ang puwedeng maging genuine para kay Yen? Ikaw na kaya yun bro? Malay mo! Basta ang klaro e, dapat walang “sablay.” Hindi ka ba sumasablay bro? Charot!
Sey pa ng kaibigan niya: “Sana this time ako na lang ang dalhin mo, para safe ka.”
At dito, napasigaw na naman ng tawa si Yen—pero simpleng tawa lang ba yun o halong may kiliti?
Mukhang may naalala si Yen na mga bagay na nangyari sa Baguio na hindi safe, huh! Yun na!
