By JUN NARDO
Walang imik si Enrique Gil sa pakuda ni Liza Soberano sa isang podcast.
Pasabog ang pag-amin ng aktres na hiwalay na sila ni Enrique almost three years
ago pa.
Biglang nag-flashback sa amin ang sinabi ni Enrique sa isang gathering last year for
his movie “Strange Frequencies.”
That time e may tsismis na ukol sa hiwalayan nila pero ayaw niyang i-address ito
directly.
Aniya pa nga e, they’re still “good.” Busy lang daw si Liza sa work sa Hollywood.
Bulong pa nga niya e, may pinauusapan na raw sila ni Liza na posibleng series.
E, ngayon, tapos na ang boksing! Si Liza na ang nagkumpirma na indeed, hiwalay na sila!
Sa totoo lang, mukhang malabo na talaga ang pairing nila dahil Hollywood na ang gustong pasukin ni Liza at unti-unti na nga niyang na-isasakatuparan ito.
Samantala, si Enrique e, may bago, isang series at si Julia Barretto ang makakasama niya. Sila ay bibida sa bagong teleseryeng “Hello, Heaven” na mapapanood very soon sa
TV5.
So, ayun. Bye Liza, hello Julia ang peg ni Enrique!
Dating seaman
Dating seaman ang bagong artist ng A Team ni Ogie Alcasid na si Jake Villamor.
After six years, papasukin na ni Jake ang entertainment world. E, bago naging
artist ng A Team, content creator siya, events organizer, model at may konting
business na naipundar.

Sa nakakapanood sa kanyang content sa Tiktok, siya ang singer na kumakanta sa
parking lots, fire exits ang ibang lugar na hindi mo aakalaing puwdeng maging
venue.
Napanood ni Regine Velasquz ang video ni Jake at ipinapanood kay Ogie.
Impressed si Ogie at nagkita sila. The rest is history!
Guwapo, matangkad at maganda ang speaking voice, soon, magkakaroon ng
launching ng debut single si Jake na very promising ang dating kahit aminado
siyang turning 29 na siya in the coming months!
