Sister act no more? Kim, Lakam naglalaglagan nga ba sa IG?

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

Akala ng lahat ay forever sisters goals si Kim Chiu at ang ate niyang si Lakam — lagi magkasama at parang walang hanggan ang sisterly love.

Pero nitong Agosto 13, may nangyaring plot twist: nag-unfollow-an sila sa IG!

Mga marites agad nawindang, pumito na parang teapot. Ang haka-haka samu’tsari  — mula sa simpleng tampuhan hanggang sa posibilidad ng matinding awayan.

May ganun?

E kasi naman, ilang araw bago ito mangyari, nag-post si Kim ng cryptic video kasama ang isa pa niyang kapatid, si Wendolyn. May mga linya pang, “It’s been a ride lately. Not the fun kind” at “Just needed this moment to breathe.”

Aba, hindi naman kami manhid — obvious na may hugot!

Sabay din na halos isang linggo na absent si Kim sa “It’s Showtime.” Medyo “off brand” para sa isang taong laging energy queen sa tanghalian.

Tila malayo ito sa timpla ni Kim last year  — todo dasal siya para gumaling si Lakam sa health scare, at tinawag pa niya itong “my right hand and my left hand.”

E ngayon, parang parehong kamay naipit sa drama.

Tapos heto pa: biglang lumipad pa-Cebu si Bela Padilla at ABS-CBN boss Laurenti Dyogi para samahan si Kim.

Hellooo, kung walang problema, bakit may VIP entourage na agad? Ibig sabihin lang, may something talaga!

Ngayon, todo ang pahulaan sa social media na may connect-the-dots pa ang ilan.

Wala pang official statement sa ngayon, pero sa mundo ng mga marites, minsan mas juicy pa ang silence kaysa sa paliwanag.

Yun na!

TAGGED:
Share This Article