Sarah Lahbati, todo flex sa pagiging single at masaya!

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

Matapos matsismis sa isang political scion, ito ngayon si Sarah Lahbati na halos isigaw sa buong internet: “I’m single, I’m happy, and I’m thriving.”

At marami ang naka-relate, huh! Umabot na sa mahigit isang milyong views ang latest niyang paandar.

Mga single ladies din kaya ang mga ito? Charot!

Sa viral video, kasama ni Sarah ang isang lalaking kaibigan na nagli-lipsync ng classic line mula sa Sex and the City: “We were the only single people in there.”

Sagot naman ni Sarah na parang walang pakialam sa kung sino ang makakarinig: “Miranda, we are the only single people anywhere.”

Idagdag pa ang caption na parang may pinatatamaan: “Single and happy tho.”

Sakto lang ba ang timing o talagang sinadya?

Just recently, may kumalat na photos and videos of hers estranged husband Richard Gutierrez looking sweet and cozy with Barbie Imperial sa isang out-of-town getaway.

Not long ago, binato ng intriga si Sarah matapos mapansin ng ilan ang diumano’y “special friendship” nila ni Tacloban City Councilor Marty Romualdez, Jr.

Dedma lang si Sarah that time.

Ang mga spin doctors naman e pilit na pino-focus ang atensyon ng madla sa magandang co-parenting arrangement nila ni Richard.

Whatever the case maybe, mukhang panalo si Sarah.

Sa mga mata ng tao, habang abala si Richard sa bagong, ahem, “ka-hangout,” si Sarah naman ay tila tinitignan pa rin na ulirang ina sa kabila ng pagpa-viral ng kanyang single-blessedness.

Oh well…

 

Share This Article