By DELIA CUARESMA
Bagong kabanata ang pinapasok ni Bela Padilla — ito ay ang pagiging single pero walang drama!
Sa presscon ng pelikula niyang “100 Awit Para Kay Stella,” hindi na umiwas si Bela nang tanungin tungkol sa estado ng kanyang puso. Diretsahan niyang sinabi na “non-existent” ito sa kasalukuyan.
O ‘di ba, walang pasakalye, walang hugot. Cool na cool lang.
At bago pa tayo mag-assume ng kung anong malalim na dahilan, nilinaw agad ni Bela na maayos ang lahat. Aniya, mutual decision ang hiwalayan and that it was “amicable.”
“Magkaibigan pa rin kami ni Norman,” diin niya.
“Actually, he was here a month ago. He visited the set of ‘100 Awit Para Kay Stella’ so, yeah, we’re good. I mean, we could hang out and you know, if and when I do go visit him, I’d like to think na we could hang out as well.”

O ha! ‘Yung ibang ex, ni seen zone nga hindi ka mabigyan. Pero si Bela? Chill lang, may “catch-up” pa na bonus!
For context, si Norman Ben Bay ay isang Swiss-Italian. Nagkakilala sila ni Bela noong 2017 sa Zurich habang nagsu-shoot siya ng pelikula roon.
Official na naging sila noong 2020. At noong 2021, lumipat si Bela sa London para mag-aral sa Royal Academy of Dramatic Art — at kumuha rin ng writing classes.
Pero gaya ng mga pelikula niya, may plot twist. This year, balik-Pinas na ulit si Bela.
At kahit ang heart status niya ngayon ay “solo,” hindi mo siya maririnig magreklamo. Masaya raw siya sa work, at ‘yun muna ang focus niya. Walang pressure, walang hanap ng bagong jowa.
