By DELIA CUARESMA
Nagbabalik ang love life ni Carla Abellana, at this time, mas maingat, mas mature, at mas choosy na siya.
Yes mga beshie, nagdi-date na uli si Carla, ilang taon matapos ang masalimuot na hiwalayan nila ni Tom Rodriguez.
Sa panayam ng GMA, kinumpirma ng aktres na may nagpapasaya na sa kanya ngayon.
“It’s about time I open myself to dating, meeting new people. So I decided to try it,” aniya.
Kalma lang ang delivery pero may na sense kaming konting kilig, huh!
At may second date na raw! Kaloka!
Pero, klinaro ni Carla na hindi pa ito teleserye-level romance.

“We’ll see if there’s gonna be more dates,” dagdag pa ni Carla.
Syempre, hindi natin masisisi kung sobrang guarded ang aktres when it comes to matters of the heart.
Aminado si Carla na nahirapan siyang maka-recover sa nangyari sa kanila ni Tom.
“It was so shocking, so abrupt… I couldn’t comprehend,” ani Carla, na kung ma-i-imagine niyo e parang full telenovela ang drama, huh!
Charot!
Ngayon, mas mapili na siya sa lalaking papasukin sa kanyang puso.
Ang mga non-negotiables? Dapat daw e, honest, may respeto, walang tinatago, mabait, may integrity.
Ano ‘yan, NBI clearance level?
Charot again!
May matinong rason si Carla.
“Nag-iingat po talaga ako. Kailangan piliin ko nang mabuti,” dagdag ni Carla.
Obviously sa real-life drama ng buhay niya e, ayaw niya ng may tinatagong plot twist!
Yun na!
