By DELIA CUARESMA
Inamin na ng aktres na si Bea Alonzo ang tsismis: Jowa na nga niya si Vincent Co, presidente ng Puregold Price Club.
Naganap ang pag-amin ng aktres sa GMA Gala na ginanap sa Marriot Hotel, over the weekend.
Aniya sa panayam ng GMA News, “Yes he is (my boyfriend). But I like to keep things private.”
“I think it’s very obvious that we’re together, and I’m happy. I think that is all I can share,” dagdag pa ni Bea.

Pero bakit ngayon lang? Maraming beses na silang naispatan ng mga fans together, huh!
Ayon kay Bea, pinili niyang manahimik tungkol sa relasyon para mapangalagaan ito.
Isa pa, bilangrespeto na rin daw niya kay Vincent na hindi naman tiga-showbiz.
Sey ni Bea, “I understand the curiosity (but) I think the most beautiful things are the ones that are kept private.”
Huling nakarelasyon ni Bea si Dominic Roque.
Engaged to be married na sila pero nauwi pa rin ito sa hiwalayan.
Jowa ngayon ni Dominic si Sue Ramirez.
Bongga!
