Layon na palawigin ang pag-unlad ng iba’t ibang sektor, nagsagawa ang BPI Foundation (BPIF), ang social development arm ng Bank of the Philippine Islands (BPI), at ACEN, ang energy platform ng Ayala group, ng financial educational program saDumagat Community sa Real at Mauban, Quezon.
Ang naturang financial education program ay isa sa mga pangunahing programa ng BPIF na FinEd Unboxed, sa ilalim ng “Train the Trainer”program.
Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok at koordinasyon ng ACEN sa komunidad, higit pang naipamalas ang kanilang misyon na tumulong sa pag-unlad ng buhay ng mga mamamayan, hindi lamang sa pamamagitan ng renewable energy kundi pati na rin sa pagpapalawak ng kaalaman sa pananalapi.
“Ang financial education session na isinagawa namin kasama ang komunidad ng Dumagat ay paalala kung bakit namin ginagawa ang aming misyon. Isinasabuhay nito ang aming paninindigan sa panawagan naming ‘Kasama lahat sa Pag-unlad,’” ayon kay Carmina Marquez, Executive Director ng BPIF.

sa Real at Mauban, Quezon, upang makapagbigay sa kanila ng praktikal na kaalaman
sa responsible at tamang paraan ng paggastos.
“Sa pagbabahagi ng mahahalagang kaalaman sa paggastos, hangad namin makatulong mabigyan sila ng mas maayos na kinabukasan at mga bagong oportunidad, habang nananatiling nakaugat sa kanilang kultura at tradisyon,” dagdag pa nito.
Nagsilbing kalahok sa programa ang 29 na indibidwal—15 mula sa Mauban at 14 mula sa Real—na nabigyan ng pagkakataon na makalinang ng mga praktikal na kaalaman sa pag-iimpok, paggamit ng insurance, responsableng pag-utang, pag-iinvest, at pag-iwas sa mga scam at iba pang financial-related fraud.
“Nagpapasalamat kami sa ACEN sa kanilang pakikiisa sa makabuluhang aktibidad na ito. Dahil sa pagsisilbi nilang tulay upang maabot ang komunidad, naisakatuparan namin ang programang ito na magbibigay sa kanila ng makabuluhan at pangmatagalang kaalaman,” dagdag pa ni Marquez.
Sa kanilang kolaborasyon, ipinapakita ng BPI at ACEN ang kahalagahan ng pagbuo ng mga stratehikong ugnayan upang makapaglingkod sa mga mamamayan, lalo na sa mga hindi madalas naaabot, gaya ng katutubong komunidad. Ang inisyatibang ito ay hindi lamang nagpapalalim ng kaalaman sa pananalapi kundi nagpapatibay rin ng iisang hangarin—ang tulungan ang bawat Pilipino na umunlad, anuman ang kanilang pinagmulan.
