By JUN NARDO
Very interesting ang konsepto ng bagong edition ng “Shake, Rattle and Roll: Evil Origins” na official entry ng Regal Entertainment for the upcoming Metro Manila Film Festival.
Bale past, present and future ang tatalong episodes pero magkakaugnay ang mga ito.
Magsisimula sa panahon ng galleon trade noong panahon ng mga Espanyol hanggang aabot sa present times at bubulusok sa future!
Tatlo rin ang directors ng bagong edition ng pelikula.
Ayon kay Roselle Monteverde na nakachika ng ilang press matapos ang misa para sa one year death anniversary ng ama niyang si Father Remy, magkasama sa last episode sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi.

Ang mga young stars na sina Francine Diaz, Seth Fedelin, Fyang Smith at JM Ibarra ay nasa second episode.
Hindi na rin matandaan ni ni Maam Roselle kung 17th or 18th edition na ito ng legendary horror franchise.
Favorite daw ang Shake Rattle & Roll” ng yumao niyang ina na si Mother Lily Monteverde.
Paborito din ni Mother ang “Mano Po” series na balak din nilang gumawa ng bagong edition.
Nang tanungin si Roselle kung magastos ang paggawa ng bagong “Shake Rattle & Roll,” e, ngumiti lang ito.
Obviously, basta “Shake, Rattle & Roll,” all out ang Regal!
Bagong management
Pumirma na ng kontrata sa kanyang bagong management ang Revival King na si Jojo Mendrez.
He is now under Artist Circle ni Rams David.

Payo ni Rams kay Jojo, “Concentrate sa singing. Iwasan na mga controversy at gimik ng nakaraan. He has a voice at maraming plano ang Artist Circle sa kanya.”
Sa mga darating na araw, ang bagong branding niyang Super Jojo ang matutunghayan sa social media.
Ibabalandra na rin ni Jojo ang generosity niya.
Ang latest single ni Jojo ay ang version niya ng Timmy Cruz hit na “I Love You Boy.” This time, binale niya ang lyrics at ginawang “I Love You Babe.”
Nakatakda rin niyang i-revive ang hit song ni Dina Bonnevie na “Bakit Ba Ganyan” at gagawa rin siya ng isang Christmas song.
Pagdating sa dating manager, ani Jojo e ipinagpasa-Diyos na lang niya ang ginawa nito.
Hindi niya sinagot kung may kinalaman sa pera ang hiwalayan nila!
Good luck on your new journey, Jojo!
