By JUN NARDO
Mapapanood na rin sa pinilakang tabing ang dalagitang singer na apo sa tuhod ni dating president Emilio Aguinaldo na si Lizzie Aguinaldo.
Bininyagan si Lizzie ni Direk Joven Tan na sumulat at nagdirek sa upcoming horror movie na “Lola Barang.”
Bida sa movie sina Gina Pareño at Ronnie Lazaro.
Pero ang naka-eksena ni Lizzie sa movie ay ang veteran actor din na si Lou Veloso.

Kuwento ni Lizzie, “Nakakatawa po si Tito Lou. Albularyo siya dito at ginagamot niya ako through exorcism. Seryoso siya nung take, pero after, nagpapatawa na!”
“Mabait si Tito Lou at very professional,” dagdag pa niya. “Dahil first movie ko, gina-guide ako ni Direk Joven. Scary po ‘yung movie.”
Mapapanood sa kinabibilangan naming Youtube show na Marites University ang iba pang kuwento ni Lizzie tungkol sa pelikula.
Of course, unang sumabak sa pagkanta si Lizzie bago umarte. E, dahil aktibo rin sita sa school activities, binabalanse niya ang oras dahil pareho niyang mahal ang showbiz at studies.
Nangangamoy demanda?
Lumabag diumano sa existing contract ang dalawang sexy stars (male and female) nang gumawa sila ng isang sexy movie sa isang competing streaming app.
Okay lang sana pero nabuking sila ng unang streaming app kung saan sila nakapirma ng kontrata!
Kaya naman, hindi lang sermon ang inabot nila! Dinig namin e, nangangamoy pa ng demanda, huh!
Katwiran ng dalawa, nagawa lamang nilang mangibang-bakod dahil sa kawalan ng trabaho. Gusto lang naman daw nila kumita kahit paano.
Tila hindi enough sa kinauukulan ang kanilang excuse. Dapat daw sana e, nag-abiso man lang sila.
E, kapag nagkataong matuloy ang demanda, kulang pa ang kinita nila sa second streaming app na nilabasan nila.
E, paano kung hihingi pa ng danyos ang app na una nilang pinagmulan?
Lagot na!
