By JUN NARDO
Naglatag ng kanyang priorities si Batangas Governor Vilma Santos Recto na inihayag niya sa sa kanyang mga constituents during her inaugural address last July 7 sa Batangas Capitol.
Matatag na Batangas ang adhikain ni Gov. Vilma na muling nagbabalik sa puwesto matapos magpahinga ng ilang taon.
Kung ang anak niyang si Cong. Ryan Christian Recto e, nagsimula nang mag-seminar kaugnay sa pinanalunang posisyon, si Luis Manzano o Lucky e, balik hosting sa “Rainbow Rumble.”
Masama man ang loob nang matalo si Lucky bilang vice governor, dagli naman itong naka-recover.
“Sabi niya, part of my learning. Dali niyang maka-recover. He’s willing to help,” sey pa no Gov. Vi.
“Gusto pa rin niyang ma-fulfill ang promise niya sa bawat bayan ng Batangas. Iba na ang mundo natin ngayon. Hindi lang puweden old school. Kaya I need yung energy ni Lucky, yung perspective niya. Sa kanya ako natuto sa social media. Siya ang tulay ko sa kabataan,” parte ng pahayag ni Gov. Vi.

Pero itinuwid ni Gov. Vilma na walang posisyon si Lucky sa Batangas. Tutuparin lang niya ang pangako.
Paano naman ang acting career ni Ate Vi?
But of course, gagawa pa rin siya ng movies, huh!
“May negotiations na sa movie na gagawin ko. Alam naman ng taga-Batangas na gagawa ako ng isang movie in three years. Pinagpapaalam koi to,” balita ni Gov. Vilma.
At kung meron siya gustong mangyari, ‘yun ay makasama ang apo niya kina Lucky at Jessy na si Peanut sa isang TV commercial.
Basta, ang minamahal nating si Gov. Vilma Santos-Recto ay muling magliligkod sa kababayan niya sa Batangas!
Star-studded
Vice Ganda, Nadine Lustre, Piolo Pacual, Gerald Anderson, Ivana Alawi.
Ito ang naglalakihang pangalan na bibida sa unang apat na pelikulang kalahok sa 51st Metro Manila Film Festival sa Glorietta Activity Center sa Makati City.

Ang apat na pelikulang napili ng selection committee ng MMFF base sa script ay ang “Call Me Mother” – Vice at Nadine; “Rekonek” – Gerald Anderson, Carmina Villaroel, Zoren Legaspi, Alexa Miro; “Manila’s Finest” ni Piolo Pascual; at “Shake, Rattle and Roll: Evil Origins” nina Ivana, Richard Gutierrez, Carla Abellana, FranSeth at iba pa.
“We promise an even more exciting and engaging experience for the filmmakers and moviegoers alike for the 51st edition of MMFF. With the first batch of entries revealed, get ready for an exciting cinematic journey in December,” pahayag ni Atty. Don Artes, MMDA at MMFF Concurrent Chairman.
Sa September naman ang deadline ng mapilipiling remaining entries based on finished product.
Ang Makati ang host city ngayong 51st Metro Manila Film Festival.
