By JUN NARDO
Uso ang stage plays ngayon kaya naman hindi magpapahuli ang Viva Communications!
At ang unang stage musical ng Viva e, adaptation ng “Bagets!”
Remember the movie “Bagets?”
That was the time na nauso ang makukulay na suot ng bawat kabataan mula ulo hanggang paa.
Nang ipalabas ang “Bagets” na dinirek ng yumaong si Maryo J. de Los Reyes, sumabog ang pelikula sa big screen at isinilang ang ilang bagong heartthrobs katulad nina Aga Muhlach, JC Bonnin, Raymond Lauchengco at Herbert Bautista.
Saksi kami sa pagsamba ng kabataan sa limang bida ng “Bagets.” Lumikha ng history ang Viva Films nung panahon ‘yon! We should know dahil that time, managing editor pa kami ng fan magazine na kapag silang lima ang cover ng issue e, it always sells like hotcakes!

Of course, sa lima, si Aga ang pinakaaktibo sa films hanggang ngayon.
Wala pa kaming idea kung sinu-sino ang magiging bahagi ng “Bagets The Musical.”
Magkakaroon ng auditions para sa role ng lima.
Ibabalita namin sa inyo ito soonest!
Ngayon, namamayagpag muli ang Viva sa youth-oriented projects dahil sa success ng “Mutya ng Section E” na magkakaroon din ng OST Concert sa June 20 sa New Frontier Theater.
Abangan ang “Bagets The Musical!”
Madaya!
Madaya rin itong junior actress na ito, huh! Ipinagmamalaki niyang mula sa ibinentang slimming products daw ang pagkapayat niya pero tumaas ang kilay ng aming source.
Anito, huwag daw paniwalaan itong si junior actress. Pumayat raw ito dahil nagpabawas ng taba! Pinaretoke rin daw ang kanyang katawan kaya slim na slim ang katawan niya ngayon!
‘Yun nga lang, marami pa ring naniniwala sa junior actress kaya naman mabenta pa rin ang kanyang produkto, huh!