By DELIA CUARESMA
Siguradong naki-jam ang lahat ng batang 80s sa hit song ni Tina Paner na “Tamis Ng Unang Halik” — na theme song ng mga hopeless romantics.
At 100% sure na talagang kilala si Tina ng mga 80s at 90s kids bilang isang mahusay na character actress ng kanyang henerasyon!
Dahil nga rito e, ultimate 80s throwback ang tema ng award-winning broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas sa isa na namang brand new episode ng “Korina Interviews” this Sunday, June 8, 6pm on Net25.
Bongga ang kuwentuhan nina Koring at Tina, huh! Babaha ng luha!
Ang ilan sa kanilang mga napagusapan:
Paano hinarap ni Tina ang pagiging ampon niya?
Ano ang ginawa niyang micropono para mag-practice maging singer nung siya ay musmos pa lamang?
Bakit niya iniwanan ang karera sa Pilipinas para mag-bagong buhay sa Barcelona, Spain?
Totoo bang ini-reklamo siya ng kapwa Pinoy sa ibang bansa? May kaso ba siya?
‘Yan at marami pang iba ang dapat tutukan ngayong Linggo ng gabi only on Korina Interviews!