By DELIA CUARESMA
Marami ang nagulat sa pagkalat sa social media ng sworn affidavit ni Dominique Benitez, maybahay ng politiko at businessman na si Albee Benitez, kaugnay sa paglabag diumano ng huli sa Republic Act 9262, o Violence Against Women and their Children (VAWC).
Kilala sa showbiz si Albee, na nahalal na kongresista kamakailan.
Siya ang founder ng Brightlight Productions, which is involved in TV and film production. Kasama na sa mga naprodyus niyang show ay ang “Tropang LOL” on TV5.
Anyway, sa reklamo ni Dominique, biktima siya diumano ng psychological abuse.
Lubos daw siyang nabalisa at nasaktan ng aminin diumano ni Albee na may dalawa siyang anak sa ibang babae.
Dawit din ang vlogger at aktres na si Ivana Alawi sa reklamo na ani Dominique e, kasalukuyang jowa ng mister.
“I felt utterly betrayed by the Respondent and was devastated beyond compare after finally discovering and confirming the truth in Respondent’s lies,” diin niya.
Ikinagulat ng marami sa malalapit kay Albee ang statement ni Dominique. Ang alam daw nila kasi e, matagal ng hiwalay ang dalawa. Nagkaroon na nga raw diumano ng dissolution of assets nung 2004 pa ang dating mag-asawa.
Ani pa nila, bilyon ang suporta ni Albee kay Dominique. Pati nga raw ang mansions sa Dasmariñas Village at Forbes Park ay kusang ibingay na diumano ng pulitiko sa dating misis.
Ang tanong nila e, bakit daw ngayon lang ito nagsampa ng reklamo sa asawa?
Habang sinusulat namin ito ay naglabas ng opisyal na pahayag ang legal counsel ni Albee na si Atty Sanchez.
Anito, ang mga alegasyon ni Dominique ay luma na. Suportado daw ito ni Albee financially despite their separation.
Ang pagbanggit daw ng ibang mga indibidwal sa reklamo “only serves to divert attention and inflame public sentiment in the complainant’s favor.”
May hiling ang kampo ni Albee sa publiko: “We respectfully ask the public and the media to allow the legal system to take its
course and to refrain from the unethical practice of sensationalizing this case.”
Tahimik pa rin si Ivana tungkol sa isyu.