By JUN NARDO
Ginastusan nang todo ng mga fans ng Sparkle artist na si Arra San Agustin ang belated birthday celebration nito na ginawa sa isang events place sa bandang Ortigas.
Parang debut sa garbo ang celebration, huh!
Walang kaalam-alam si Arra sa handog ng fans base sa pahayag niya.
Halatang na surpresa siya pagdating niya sa venue.

Pag-amin niya, “Kanina pagpasok ko, confused ako na para akong isang chicken na pinalakad. Sobrang confused ako!
“Tapos, isa-isa kong nakita ang familiar faces. Hindi pa siya nagsi-sink in. Doon ako na-start ma-confused. Hindi pa siya nagsi-sink in! Puzzled ako the whole time.
“Pero gusto kong sabihin na sobrang na-appreciate ko ang bawa’t isa sa inyo. Every time we get together tayo, I am truly grateful and sobrang na-apprecciate ko your presence, time and effort to be with me.

“‘Itong event na ito, hindi ito mura! I can tell na sobrang ginastusan ninyo ito! Thank you at nag-initiate kayo, na sinusuportahan ninyo ako. Napakalaking bagay nito,” bahagi pa ng pasasalamat ni Arra sa lahat ng dumalo at nakisaya sa belated birthday gift sa kanya ng fans!
30 na si Arra last April 25. Belated birthday greetings, Arra! Thanks, Angelo B!
May babala!
Naku! Tila may babala ang mayor-elect ng Maynila na si Isko Moreno tungkol sa mga lumalabag sa batas, huh!
Pinagdiinan niya ito sa interview sa kanya ni Pinky Webb kamakailan.
Fair warning niya ito na aniya, dahil people of Manila deserve better.

Kasunod ng interview , isang matapang na tanong ang inilabas sa Facebook page niyang Yorme’s Choice.
Nakalagay dito ang mga pangalang Sam Versoza, Xian Gaza, Pebbles Cunanan, Makagago at iba pa.
Ang tagline: “Nagpakalat ng libelous statement para siraan si Yorme, mahaharap sa patung-patong na kaso?”
Binasa namin ang ilan sa mga comments at nakita namin ito: “Bakit biglang binura ni Xian Gaza ang kanyang post na TSISMIS daw? Walang dapat ikatakot kung tama ang ginagawa.”
E, nang basahin namin ang post na na-save sa Yorme’s Choice page, naku, lawyer na lang talaga ang bahala tungkol sa sinabi niyang tsimis.
Binanggit niya si Sam na babaero umano pero mas okay naman na daw ito kesa corrupt, huh!
Matapang silang maglabas ng tsismis kaya tapangan din nila pag nasa korte na sila, huh!