By JUN NARDO
Tigil muna ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga activities para sa 2025 Metro Manila Film Festival. Ito ay upang bigyang-daan ang national and local elections ngayong Lunes.
Ayon ito mismo kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes na dumalo sa isang conference para kay senatoriable Benhur Abalos as sponsored by Regal Entertainment.
Dapat nga sana ay naka-schedule this May ang announcement para sa first four official entries ng taunang MMFF. Pero hindi muna nila gagawin ‘yon.
“Basta maraming activities na naka-line up this festival. Tapusin lang natin ang elections, “ konting chika ni MMDA Chairman nang tanungin namin ukol dito.
Anyway, sa nasabing suporta ng Regal kay Abalos, present ang mag-inang Roselle at Atty. Keith Monteverde at si Dondon Monteverde pati na sina Boots Anson Rodrigo, Nico Antonio, Phoebe Walker, Direk Perci Intalan at mga supporters ni Abalos.
Of course, big mention ni Benhur ang ginawang support video sa kanya ni Vice Ganda na ikinagulat niya, huh!
Nagpasalamat siya kay Vice pati na ang ibang stars na suportado siya at siyempre, sa
Monteverde Family.
Maingay!
Nakakabingi kahapon sa lugar namin sa Sampaloc, Manila. Last day kasi ng kampanya kaya ikutan nang ikutan sa mga kalye sa Maynila, malaki man o maliit ang mga kandidato.
Of course, pagdating sa Manila mayoralty race e, sa lahat ng surveys, si Isko Moreno Domagoso ang nangunguna mula nang magsimula ang kampanya.
Maiingay lang ang mga kalaban pero malayo ang agwat ni Isko sa kanila.
E si Isko, pinupuntahan lahat ng distrito sa Maynila unlike ‘yung dalawang kandidato, huh!
Kaya nang-aaway at puro paninira na lang ang ginagawa kay Isko. Paulit-ulit naman ang sinasabi!
Basta malakas pa rin si Isko sa Manila kahit anong gawin nila!