Janine, suportado si Bam!

Tempo Desk
2 Min Read

By JUN NARDO

Nadagdagan ng isa pang  diyosa ang mga sumusuporta sa senatoriable candidate na si Bam Aquino.

Ito ay walang iba kung hindi and seksi at magandang si Janine Gutierrez!

Gaya ng kapwa-diyosa na si Anne Curtis, nag-post si Janine sa Instagram upang ipagbigay-alam sa publiko ang pagsuporta niya kay Bam.

Pinuri niya ito sa isang video para sa pagpasa ng Free College Law.

Sa nasabing video, isang nanay ang nagpasalamat kay Bam para sa batas dahil nakatulong  daw ito sa kanyang anak na makapagtapos ng nursing mula sa Bataan Peninsula State University (BPSU).

Personal na nagpsalamat ang nanay kay Bam nang bumisita ang senador sa Balanga Public School Market sa Balanga, Bataan.

Nasa Top 12 na si Bam na may 28.6 % rating sa Pulse Asia survey, huh! Mula sa# 17 nung Pebrero, tumalon siya sa spot na Magic 12.

Nag-number 12 din si Bam sa pinakahuling WR Numero survey kung saan 26.4 rating ang nakamit niya.

Now na doble na ang diyosa na suportado si Bam, malay natin, sa pagdating  ng eleksiyon e pumasok na siya sa Magic 8, huh!

B-day gift

Nagningning kahapon,  April 30, ang EDSA Guadalupe dahil sa higanteng electronic billboard ni Charlie Fleming  na nasisilayan mula  ala-sais nang umaga hanggang alas-onse nang gabi.

Advance birthday gift ng fans ang nasabing billboard kay Charlie na kung tawagin ay Team Flemingo.

Nagsama-sama sila matapos ang stint ni Charlie sa Bahay ni Kuya!

Take note, after  lumabas sa Bahay ni Kuya, sunud-sunod ang naging guestings ni Charlie sa GMA shows gaya ng “Unang Hirit,” “Tiktoclock” at “All Out Sundays.”

Sa darating na Mayo, mas may malaking sorpresa pa ang Team Flemingo sa kanilang idolo!

Share This Article