By JUN NARDO
Ngayong araw, April 22, Martes, ililibing sa Libingan ng mga Bayani ang nag-iisang Superstar, si Nora Aunor.
Sigurado kami na dagsa ang makikiramay sa naulila niya.
Nakidalamhati ang buong mundo sa pagpanaw ni Ate Guy.
Kasama na rito ang print and broadcast media across the globe.
Dito naman e, kanya-kanyang kuwento ang fans and celebrities on how Nora touched their lives.
Huling napanood si Nora sa pelikulang “Mananambal.”
May dalawang movies pa siyang nagawa na hindi pa ipinalalabas, ang “Kontrabida” at “Pieta.”
Tiyak na kapag ito’y pinalabas eventually e, marami ang manonood.
Knowing Ate Guy, she would be very happy about it, too.
You will be missed, Ate Guy…
Pinalagan!
Hindi natuwa ang entertainment reporter at talent manager na si Ogie Diaz sa planong pabahay para sa bawa’t Pilipino ni Las Piñas Representative Camille Villar.
Payo ni Ogie e, ayusin na muna niya ang serbisyo ng PrimeWater na pag-aari ng kanilang pamilya.
Ayon nga sa post ni Ogie sa Facebook:
“’Wag kang mangako ng pabahay para sa bawat pamilyang Pilipino. Baka puwedeng tulungan mo na lang ang mga kababayan mong magkaroon ng sapat at tuluy-tuloy na tubig mula sa PrimeWater na pag-aari din naman ninyo.
“Kawawa ang mga customers niyo po. Bigla tuloy nagkaroon ng Project Uhaw bilang pantapat sa kahinaan at kamahalan ng singil ng PrimeWater,” saad pa ni Ogie.
Diin pa niya, kahit sangkatutak na ang nagrereklamo e, wala pa ring aksyon ang mga Villar.
Wika pa ni Ogie, “Juice ko, kahit nga sa Tagaytay, grabeng jakpatan din kung may tulo o wala. Ang mahal na nga ng singil ang dalang pa ng tulo!”
Siyempre pa, maaring maapektuhan ng isyu ang kandidatura ni Camille na tumatakbong Senador.
Marami na ang nagpahayag ng hindi pagboto sa kanya dahil sa kawalan ng aksyon dito sa isyu ng PrimeWater, huh!
Inihayag ng customers ng PrimeWater mula sa Tarlac, Camarines Norte, Cavite, Laguna at sa Bulacan ang kanilang pagkadismaya sa X dahil sa kabiguan ng kumpanyang bigyan sila ng maayos at malinis na supply ng tubig!