ABS-CBN, todo-suporta kay Jojo Mendrez

Tempo Desk
2 Min Read

By JUN NARDO

Tindi ng suporta na ibinigay ng Star Music PH kay Jojo Mendrez, huh!

Bongga ang launch ng bagong single ng Revival King na ginanap sa ELJ Building kamakailan.

Present pareho sina Jonathan Manalo, creative director of ABS-CBN Music, at si Roxy Liquigan, head of the ABS-CBN Music.

Ang latest single ni Jojo titled “Nandito Lang Ako,” ay ang kanyang kauna-unahang original release, composed exclusively para sa kanya ni Jonathan.

Damang-dama sa kanta ang hirap na pinagdaanan niya bago naagtagumpay sa larangan ng musika, huh!

Bagay sa kanya ang title ng song na isa niyang mantra lalo na sa gawaing sibiko.

At may bagong surprise sa launch ng single ni Jojo, huh!

After Mark Herras, si Rainier Castillo naman ang bumati sa kanya with matching flowers!

Ayon kay Jojo, isang matalik na kaibigan si Rainier.

Ayaw na niyang magsalita beyond that, insisting he’d rather keep his personal life private.

Hail to the Revival King, Jojo Mendrez!

Umariba!

Nasa number 1 spot sa iTunes PH ang revival ni Andres Muhach ng Hotdog original na “Ikaw Ang Miss Universe ng Buhay Ko.”

Nangyari ito only a few days after its release.

Dagdag ito sa songs na kasama sa official soundtrack ng Viva One series na “Ang Mutya ng Section E” na namamayagpag ngayon!

Ang isa pang kanta na tampok sa OST ng Viva One series ay ang “Tibok” na komposisyon at kinanta ng Ozamis born singer-songwrite na si Earl Agustin.

Na-discover ng Viva Records si Earl sa Tiktok at ang viral hit niyang “Tibok” e gumawa ng history bilang unang OPM song na lumampas sa 2 million daily streams sa Spotify opn a single day!

Bukod dito, nag-number one din ang “Tibok” sa Apple Music PH, You Tube PH at iTunes PH.

“Masaya ako na ang Tibok, hindi na lang siya music na papakinggan ng casual listener, meron din siyang incorporation sa series,” saad ni Earl nang humarap sa mediacon.

TAGGED:
Share This Article