Level up si direk!

Tempo Desk
2 Min Read

BY JUN NARDO

Masayang-masaya ang director na si Rommel Galapia Ruiz dahil ipapalabas na finally ang kanyang obra na “In Thy Name” sa March 5.

Sumabak muna sa mahaba-habang apprenticeship sa cinematography si Direk Rommel bago siya nabigyan ng break as director.

Bago ang “In Thy Name” ay gumawa si Dirke Rommel ng maraming shorts films at music videos.

Proud si Direk Rommel sa pelikula dahil nagawa raw nilang maging makatotohanan ang lahat.

Saludo siya sa bida ng pelikula na si McCoy de Leon dahil talaga raw ginalingan nito ang pagganap bilang si Father Rhoel Gallardo ang pari na nakidnap at napatay sa Basilan noong 2000.

Of course, humanga rin si Direk Rommel sa husay ng supporting cast members kasama na sina Mon Confiado, JC De Vera at iba pa.

Namamaga!

Hindi maitago ng aktres ang pamamaga ng mukha niya dahil sa retoke!

Halatado ito sa mga eksena niya sa isang show huh!

Maganda naman ang aktres noon pa. In fact, mabentang-mabenta siya hindi lang sa movies kungdi pati sa TV, even noong baguhan pa lang siya.

Medyo nawala siya for a while pero nang lumutang muli e, halatang-halata na ang ilang retoke sa mukha niya!

Mukha namang hindi siya bothered sa mga comments about her face.

At tama lang ‘no! After all, siya naman ang gumagastos sa pinapagawa niya sa mukha!

May pera rin kasi ang female personality na ito na ever since e, raketera na!

Share This Article