Bea Binene, suportado si Bam Aquino!

Tempo Desk
2 Min Read

By JUN NARDO

Hayagan ang suporta ng aktres at chef na si Bea Binene sa independent senatoriable candidate na si Bam Aquino.

Present siya sa kick-off rally ni Bam sa Dasmariñas City Arena sa Cavite.

Bago ipinakilala ng dating senador, nagsalita si Bea at pinuri ang Free College Law ng dating senador.

Sinabi ng aktres na dahil sa batas, marami nang estudyante ang nakapagtapos at nakakatulong ngayon sa pamilya nila.

“Dahil sa kanya, marami nang estudyante ang hindi na problema ang matrikula. Mas marami nang mga magulang at mga panganay, mga kapatid na hindi na kailangang matrabaho nang patung-patong para
may pang-tuition, pambaon at pamasahe ang mga kapatid at anak nila,” deklara ni Bea.

Pati sa Facebook ay nagpaabot ng suporta ang aktres kay Bam, huh!

Ang palawakin ang Free College Law para makatulong sa mas maraming estudayante ang isa sa layunin ni Aquino.

Tiwala ang dating senador na aangat siya sa surveys lalo na’t patuloy na dumarami ang kanyang volunteers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Dismayado!

Sad ang mga matrona at acclang pumapantasya sa isang junior hunk aktor na mestizo!
May pasabog na naman kasing picture ang aktor at kalaway-laway ang hitsura niyang tila nang-aakit,
huh!
‘Yun nga lang, nang i-zoom ang picture, napansin nila ang ayus na ayos kilay nito, huh! Daig pa niya ang
mga babae na conscious sa kilay kapag lumalabas in public!
May mga nagdududa tuloy kung legit ba siyang lalaki!
Naku, may mga accla namang mahilig kumain ng “bulalo” kaya puwede na ang junior actor na ito sa
kanila!

Share This Article