Eddie Mesa, Rosemarie Gil sumaklolo kay Andi Eigenmann?

Tempo Desk
2 Min Read

By ROWENA AGILADA

Nakuhanan ng videos and photos ang pagpunta sa Siargao kamakailan nina Eddie Mesa at Rosemarie Gil.

To those not in the know, anak ng mga ito ang namayapang ama ni Andi Eigenmann na si Mark Gil.

Kasama rin sa Siargao ng dalawa si Ellie na anak ni Andi kay Jake Ejercito.

Nasa poder ni Jake si Ellie na sa Manila na nag-aaral.

Ayon sa reports, kinausap nina Eddie at Rosemarie sina Andi at ang partner nito na si Philmar Alipayo para ayusin ang pinagdaraanan ng mga ito sa kanilang relasyon.

True kaya?

Prior sa pagpunta ng grandparents ni Andi sa Siargao, diumano, spotted siya sa airport kasama ang mga anak niyang sina Lilo at Koa.

Pabalik na raw ang mag-iina sa Manila at iniwan na si Philmar.

Ayon sa ilang netizens, fake news ito.  Matagal na raw ang photo and video na ‘yun.

Anyway, balita ni Philmar sa socmed e, nagkaayos na sila ni Andi.

Sa tulong ba ng lolo’t lola?

Mahal pa rin

Hindi pa rin daw nakakapag-move on si Enrique Gil sa pag-iwan ni Liza Soberano sa kanya.  Ito’y ayon kay Ogie Diaz.

Aniya, mahal pa rin ni Enrique si Liza at hopia pa rin ito na magkakabalikan sila.

Ani Ogie, matagal na niyang gustong interbyuhin si Enrique.  Pero tumatanggi ang binata. Aniya,naiintindihan naman niya si Enrique.

Nasa  Pilipinas ngayon si Liza at curious ang  netizens kung nagkita na sila ni Enrique.

Valentine’s Day na this Friday (February 14), mag-effort kaya si Enrique batiin o kitain si Liza?

Ayaw na

Ayaw na raw ni Gretchen Barretto bumalik sa showbiz.  Wala na talaga siyang balak.  Hayaan na lang daw ‘yun sa mga batang nag-aartista.

Mas gusto ni Gretchen na panoorin na lang ang mga ito.  Happy na siya bilang isang manonood.

Well, no need naman magpagod o magpuyat ni Gretchen sa pagwo-work sa showbiz. Iba na ang estado ng buhay niya ngayon. Rich at sosyalin  na siya.

Share This Article