Ate Vi, sinalubong ng standing ovation!

Tempo Desk
2 Min Read

By ROWENA AGILADA

Super bongga ang grand launch ng “Uninvited” na ginanap sa grand ballroom ng Solaire Resort/Hotel sa North Vertis, QC.   Official entry ito ng Mentorque Productions at Project 8 Productions sa 2024 Metro Manila Film Festival, led by Vilma Santos, Aga Muhlach and Nadine Lustre.  Directed by Dan Villegas.

Sina Robi Domingo at Kaladkaren ang hosts ng event na  punung-puno ang venue sa rami ng invited guests. ‘Andun si Finance Secretary Ralph Recto with son Ryan bilang suporta kay Vilma.

Binigyan ng standing ovation si Vilma nang rumampa siya papuntang stage.  Aniya, dream movie niya ang “Uninvited.” Matagal na niyang gustong gumawa ng pelikula na ang istorya ay nangyari lamang in 24 hours.  Nakipag-collaborate siya kay Direk Dan at sa writers na aniya super excited siya noong nabuo ang concept ng movie.

Ayon kay Vilma, first choice si Aga Muhlach na makasama niya sa “Uninvited.”  Nang tawagan niya ito, binantaan niya ito na kapag hindi  tinanggap ang movie, magsaulian na sila ng kandila.  Ninang si Vilma sa kasal nina Aga at Charlene Gonzalez.

Reunion movie

Bale reunion movie ito nina Vilma at Aga after so many years na nagkasama  sila sa dalawang pelikula noon, “Sinungaling Mong Puso “  at “Nag-iisang Bituin.”

Ani Aga, bukod sa reunion movie nila ni Vilma ang “Uninvited,” sobrang na-excite siya sa story at sa role niya,kaya hindi  siya nag-dalawang-isip tanggapin.

Sa official  trailer na ipinalabas, intriguing at exciting ang karakter ni Aga na aniya, masarap, masaya maging masama.

Ang ganda rin ng official poster ng “Uninvited.”

Ayon kay Vilma, wala sana  silang intensyon na isali ito sa MMFF. But then, may ilang intended movies ang hindi nakapasok,kaya sinubukan na rin ng producer na isali ang “Uninvited.” Luckily, nakapasa ito sa screening committee.

Share This Article