Bea Alonzo, mahilig uminom!

Tempo Desk
2 Min Read
BEA Alonzo (FB)


BY ROWENA AGILADA

BEA Alonzo (FB)


Aminado si Bea Alonzo na mahilig siyang uminom.

Aniya, naging mas madalas daw ang kanyang pag-inom lalo na noong kasagsagan ng lockdown.

Pero hindi siya lasengga, huh!

Alam naman daw niya ang limit niya.

Hindi rin pihikan sa pagkain si Bea.

Pero ayaw na ayaw niya raw ang pagkain na may luya.

Lahat ito ay kinwento niya kay Ethel Booba para sa vlog nito.


Surrogate mom

ETHEL Booba (FB)

Close friends ang dalawa.

Ani nga ni Bea, kung sakali hindi na niya kayang mag-buntis, gusto niya si Ethel ang maging surrogate.

Payag naman si Ethel. Pero pabiro nitong tanong kay Bea: “Magkano?”

Anyway ani Bea, gusto niyang magka-baby kapag 36 years old na siya.

She’s 33 now.


Paborito

JOHN Lloyd Cruz (FB)

Sa lahat daw ng mga naging leading men ni Bea, pinaka-gusto niya raw sa lahat ay si John Lloyd Cruz.

Hot daw para sa kanya si JL kahit wala itong abs.

Ang gusto niya raw dito ay ang galing sa pag-arte at pagiging matalino.

Sakaling ligawan daw siya nito, hindi na sila dadaan sa ligawan o sa boyfriend-girlfriend stage.

“Kasal agad. Joke,” ani Bea.

Ay, ayaw ni Dominic Roque ng ganyan!


Tanging gusto

GERALD Anderson with his mom.

Halos lahat ng naging girlfriend ni Gerald Anderson ay ayaw ng nanay niya.

Kasama na rito sin Maja Salvador at Bea.

Ayaw din ng mommy ni Gerald ang current girlfriend nito na si Julia Barretto.

Tanging si Kim Chiu lang ang nagustuhan nito para sa anak.

Share This Article
1,093 Comments