Bakit kaya?

Tempo Desk
2 Min Read
KRIS Bernal (IG)


BY ROWENA AGILADA


KRIS Bernal and Perry Choi

Nag-renew ng kontrata si Rhian Ramos sa GMA Network kamakai­lan. Fifteen years na siya bilang Kapuso.

Ni-renew din ng network ang kontrata ni Glaiza de Castro. Bakit kaya si Kris Bernal hindi? Fifteen years din siya sa Kapuso at produkto pa ng “Starstruck.”

Anyway, mukhang happy na­man itong si Kris dahil malapit na silang ikasal ng Chinese fiance niyang si Perry Choi.

Panay ang pakikipag-meeting ni Kris sa mga taong involved sa kanilang kasal.


Di mahilig

‘Kaaliw ang vlog ni Alex Gon­zaga kung saan pinuntahan niya si Mayor Vico Sotto sa Pasig City Hall. Inilibot siya nito sa iba’t ibang departamento doon.

ALEX Gonzaga and Vico Sotto (YouTube screengrab)

Nalaman niya na kahit pala Sat­urday ay nagtatrabaho si Mayor at ang kanyang staff.

Ani Vico, bata pa siya’y gusto na niya ng public service. Never daw siya nagka-interest pumasok sa “Eat Bulaga.”

Nang tanungin siya ni Alex kung may balak ba siyang tumakbo sa higher office, sagot ni Vico: “Wala!”

Nagbigay si Alex ng 8,000 tablets sa Pasig City, courtesy ng isang sponsor.

Ani Mayor Vico, 200 estudyante ang mabibigyan nito. Binigyan naman niya ng mga tsitsiryang “ayuda” si Alex.

Share This Article
1,175 Comments