Albert Martinez, balik-GMA-7

Tempo Desk
1 Min Read
ALBERT Martinez (FB)


BY RUEL J. MENDOZA


Pagkatapos ng mahabang pa­nahon nagbabalik sa GMA-7 ang premyadong aktor na si Albert Martinez.

ALBERT Martinez (FB)

Gagawin niya ang Kapuso teleserye na may title na “Las Hermanas.”

Nakipag-meeting na ang aktor kasama ang creative at production team ng naturang teleserye.

Huling teleserye ni Albert sa GMA ay “Twin Hearts” noong 2003 na pinagbidahan nila Dingdong Dantes at Tanya Garcia.

Ang unang TV drama ni Albert sa GMA ay ang ‘80s soap opera na “Annaliza” na bida si Julie Vega.

Ginawa rin ni Albert ang mga teleserye na “Ikaw Pa Lang Ang Minahal” at “Habang Kapiling Ka.”

Share This Article
368 Comments