Foursome

Tempo Desk
2 Min Read
AGONCILLO and Dantes couples

BY ROWENA AGILADA


Business partners na ngayon sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos. 

Nagsimula ang kanilang collaboration sa Sunday market nina Ryan at Juday last Feb. 21.

Every Sunday ito ginagawa ng Agoncillo couple na si Juday ang tagaluto at si Ryan naman ang tagakuha ng orders.

Ryan-Judy Ann and Marian-Dingdong

Ngayon, ang DingdongPH riding service ni Dingdong ang taga-deliver ng mga order.

Magpapaturo naman si Marian kay Juday magluto ng “kaldebo” (pinagsamang kaldereta at adobo) na best-seller nila.

Inaanak ni Dingdong si Yohan, panganay na anak nina Ryan at Juday at looking forward sila na makapag-bonding ang mga anak nila (Yohan, Lucho at Luna) kina Zia at Ziggy na mga anak nina Dingdong at Marian.  

By the way, honoree si Dingdong sa gaganaping 5th Film Ambassador Night (FAN) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) via live streaming on Feb. 28.

Pararangalan siya bilang artista at cinemadvocate.


ELLEN Adarna and Derek Ramsay (IG)

Sinasakyan

Buddy-buddy na rin sila sa pagwo-workout sa bahay ni Derek kung saan may sarili siyang gym.

May coach pa sila na sa isang video ay ipinakitang sinusuntok-suntok ni Derek ang tiyan ni Ellen.

Wow, ha?

Share This Article
Leave a Comment