Bongga ang regalo

Tempo Desk
2 Min Read
HEART Evangelista (FB)


BY JUN NARDO


Magkasunod ang pasabog na birthday gift kay Heart Evan­gelista bago pa man sa actual birthday niya noong Feb. 14.

Una na rito ang pagiging bagong mukha ng international brand ng bag na Lancaster ng Paris. Pangalawa, ‘yung muling ibina­landra ang mukha niya sa isang digital billboard sa Times Square sa New York City.

HEART Evangelista (IG)

Samantala, matinding rebe­lasyon ang inilabas ni Heart sa kanyang latest vlog kaugnay ng pagiging stepmom niya sa kam­bal ng asawang si Governor Chiz Escudero, sina Chesi at Quino.

Sa bahagi ng vlog ng Kapuso actress, aminado siyang nahi­rapan bago nakapag-adjust sa buhay na pinasok niya.

“….Making out was the saddest part. I’m just saying that the set up was such an adjustment be­cause I really had to mature and I wasn’t thinking my age. So it was really hard for me. I would cry,” bahagi ng pahayag niya sa vlog.

Ayon pa kay Heart, kapag naglalakad silang apat sa mall, hawak ng kambal ang kaliwa’t kanang kamay ni Gov. Chiz ha­bang siya, “tagabitbit ng bag sa likod. So ang sakit. ‘Ganito ba ‘yun gusto ko?”

Of course, sa paglipas ng il­ang taon bilang Mrs. Escudero, pinairal niya ang pagmamahal sa kambal kahit hindi siya ang bio­logical mother at nagtagumpay naman siya!

Happy, happy birthday, Heart!

Share This Article
433 Comments