Si Sue at Ian daw?

Tempo Desk
1 Min Read
IAN Veneracion and Sue Ramirez

 

BY DELIA CUARESMA

 

Grabe itong balitang nasagap namin of late tungkol kay Sue Ramirez, huh!

Ayon sa tsismis, nakikipagmabutihan daw ito sa very much married (and with kids) na aktor na si Ian Veneracion!

Nagsimula daw ito nang magkatrabaho and dalawa sa “Oh My Dad!” sa TV5. Totoo kaya? Naku, huh! Nagsimula ang tsismis sa isang blind item ng isang entertainment news site.

 

IAN Veneracion and Sue Ramirez
IAN Veneracion and Sue Ramirez

 

Mabilis ang reaksyon ng mga netizens na agad tinukoy si Ian at Sue. Well, ayon sa boyfriend ni Sue na si Javi Benitez, anak ng producer ng show na si Albee Benitez, pawang kasinungalingan lamang ito.

Aniya sa isang post sa socmed: “Hindi siya ganyang babae…Itigil niyo na yan.” Isa pa sa mga dumepensa kay Sue ay ang co-producer ng “Oh My Dad!” na si Atty. Joji Alonzo.

Aniya sa isang post, “There is absolutely nothing going on between Ian and Sue.”

Tahimik lang both sina Ian at Sue sa tsismis.

Obviously, ayaw nilang patulan ang issue.

Share This Article