Sarah, no show

Tempo Desk
2 Min Read

By ROWENA AGILADA

 

No show si Sarah Geronimo sa first telecast ng “ASAP Natin ‘To” sa TV5.

Prior sa airing nito’y balitang may malaking pasabog si Sarah sa gagawin niyang performance.

Anyare?

May pumigil kaya sa paglabas ni Sarah?

Hinala ng ilang netizens, baka raw may kinalaman ang pagsuporta ng husband niyang si Matteo Guidicelli kay Mr. Johnny Manahan sa paglabas  nito ng sama ng loob sa Kapamilya Network.

Sa isang interbyu ay ibinulgar ni Mr. M ang kalakaran ng ABS-CBN sa pamamahala sa talents nito. Hindi niya nagustuhan ang sistema, kaya umalis siya.

Sinuportahan ‘yun ni Matteo na dating talent ng Star Magic. Umalis siya  sa Star Magic at lumipat sa Viva Talent  Agency na siya ring namamahala sa career ni Sarah.

Excited

Pormal nang winelkam ng ABS-CBN si Janine Gutierrez bilang Kapamilya sa “ASAP Natin ‘To.”

Aniya, “excited” na siyang makatrabaho ang Kapamilya stars.

Kabilang kaya rito ang ex-boyfriend niyang si Elmo Magalona?

Pinahiram

Kung pinatira ni Willie Revillame ang mag-iinang Kris, Joshua at Bimby Aquino sa rest house niya sa Puerto Galera at doon inabutan ng lock down, ipinahiram naman niya ang kanyang helicopter kay John Estrada and his family papuntang Puerto Galera.

Anyway, today, Jan. 27 ang 60th birthday ni Willie at may malalaking papremyo siya  sa  viewers niya sa “Tutok to Win (Wowowin).”

Share This Article