Ellen di type si Derek

Tempo Desk
2 Min Read
ELLEN Adarna

 

BY ROWENA AGILADA

 

 

PIOLO Pascual (FB)
PIOLO Pascual (FB)

Balik-ABS-CBN si Piolo Pascual matapos matsugi ang SNL (“Sunday Noontime Live”) sa TV5.

Balitang may gagawin siyang bagong teleserye sa Kapamilya Network.

Walang pinirmahang exclusive contract si Piolo sa TV5 at sa Brightlight Productions siya may kasunduan na lumabas sa “SNL” for four Sundays. One season (13 weeks) ang kabuuang episodes nito.

Bago tinanggap ni Piolo ang offer ng Brightlight Productions ay maayos siyang nagpaalam sa ABS-CBN executives.

Napagkasunduan nila na kapag may magandang proyekto para sa kanya ay babalik siya sa ABS-CBN.

Paano naman kaya si Maja Salvador na nakasama ni Piolo sa “SNL?” Makakabalik pa kaya siya sa ABS-CBN?

 

ELLEN Adarna (IG)
ELLEN Adarna (IG)

Walang problema

Sabi ni Ellen Adarna, hindi niya type si Derek Ramsay.

Pero bakit panay ang punta niya sa bahay ng aktor?

Ito nga at doon pa siya nag-virtual presscon para sa upcoming sitcom nila ni John Estrada.

Nabuking siya ng isang reporter na pamilyar sa bahay ng aktor.

Depensa ni John, wala siyang nakikitang problema kug magkamabutihan sina Ellen at Derek. Wala silang tinatapakang ibang tao. Parehas silang single at deserve nila ang isa’t isa.

Abang-abang na lang sa mga susunod na kabanata.

 

AIKO Melendez
AIKO Melendez

Nasaktan

Sa YouTube channel ni Ogie Diaz, inamin ni Aiko Melendez na hindi sila okay ngayon ni Candy Pangilinan. One year na daw silang hindi nag-uusap.

Nasaktan daw siya sa ginawa ni Candy sa kanila ng boyfriend niyang si Vice-Governor Jay Khonghun. Hindi sinabi ni Aiko kung ano ‘yun.

Share This Article