Xian, ninakawan

Tempo Desk
2 Min Read
XIAN Lim (FB)

 

BY JUN NARDO

 

 

XIAN Lim (FB)
XIAN Lim (FB)

Masaklap ang nangyari kay Xian Lim na ni-ransack ang bahay kamakailan.

Kasama sa mga nawalang gamit ang ilang TV at computer sets.

Magsilbing warning sana ito sa mga celebrity na mahilig ilantad sa kanilang social media account o YouTube channel ang loob ng kanilang bahay.

Siyempre, pag isang celebrity o artista ang nagpakita ng loob ng bahay, mainit ito sa mga mata ng magnanakaw lalo na ngayong may pandemya pa.

Maging maingat sana ang mga celeb sa pagpapakita ng loob ng bahay kung ayaw ninyong matulad sa karanasan ni Xian, huh!

 

MIKEE Quintos
MIKEE Quintos

Kilig na kilig!

Masaya ang pamilya ng Kapuso actress na si Mikee Quintos sa lumalabas na teaser ng GMA News and Public Affairs coming romantic-comedy series na “The Lost Recipe.”

“I have really big hopes for this team-up. Even within my family actually. For them to say na kinikilig sila sa team- up na ‘to they see potential in it and that’s a big validation na for me,” saad ni Mikee.

Si Kelvin Miranda ang kapareha ni Mikee sa series. Kapwa sila chef at sa teaser pa lang ay kinakitaan na ng winning chemistry ang dalawa, huh!

Kasama rin sa series si Thea Tolentino na sa unang pagkakataon eh hindi makikipag-agawan sa lalaki!

Share This Article
Leave a Comment