Nagseselos sa manok

Tempo Desk
3 Min Read

 

Contents
BY ALEX CALLEJAAng column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!*Hi Alex,Ang sama ng loob ko sa BF ko kasi laging nakatutok sa cellphone niya. Mas lagi pa niyang hawak ang cellphone niya kapag magkasama kami. Basa nang basa ng mga post sa social media at laro nang laro ng mobile games! Nakakalimutan niya na kasama niya ako. Kahit magparinig ako, hindi ako napapansin. At ang matindi sa lahat, mag-vibrate lang ang cellphone niya, kuha agad ang atensyon niya! Ano ba ang gagawin ko para makuha ko ang atensyon ng BF ko?Melody ng Kawit, CaviteHi Melody,Try mo mag-vibrate ka para mapansin ka rin ng BF mo.*Hi Alex,Sabungero ang tatay ko at madami siyang alagang manok. Sa umaga, manok ang hinihimas niya at pinauusukan, sa tanghali, manok pa rin, at sa gabi bago matulog, manok pa rin ang himas niya! Kapag maulan, ang una niyang maiisip, baka mabasa manok niya, kapag mainit, sisiguraduhin niya na may tubig sila! Nagseselos na tuloy ako dahil parang mas anak pa ang turing niya sa mga manok niya kesa sa akin! Gusto ko na tuloy maglayas ng bahay! Ano ba ang maipapayo mo Tito Alex?JK ng San Pablo, LagunaHi JK,Nagseselos ka sa mga manok eh hindi mo ba alam kung anong purpose nila? Isasabong sila ng tatay mo! At kapag natalo, gagawing tinola! Ikaw, kahit kelan hindi ka isasabong ng tatay mo dahil anak ka niya! Kaya huwag ka magselos sa mga manok unless gusto mo rin isabong ng tatay mo! Kaya matakot ka kapag ikaw na ang hinihimas-himas ng tatay mo at pinauusukan, ibig sabihin, ikaw na ang next na isasabong! Baka magising ka na lang, nilalagyan ka na ng tari ng tatay mo!*Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] or facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007.

BY ALEX CALLEJA

 

 

aex alexsyon alex calleja

Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*

Hi Alex,

Ang sama ng loob ko sa BF ko kasi laging nakatutok sa cellphone niya. Mas lagi pa niyang hawak ang cellphone niya kapag magkasama kami. Basa nang basa ng mga post sa social media at laro nang laro ng mobile games! Nakakalimutan niya na kasama niya ako. Kahit magparinig ako, hindi ako napapansin. At ang matindi sa lahat, mag-vibrate lang ang cellphone niya, kuha agad ang atensyon niya! Ano ba ang gagawin ko para makuha ko ang atensyon ng BF ko?

Melody ng Kawit, Cavite

 

Hi Melody,

Try mo mag-vibrate ka para mapansin ka rin ng BF mo.

*

Hi Alex,

Sabungero ang tatay ko at madami siyang alagang manok. Sa umaga, manok ang hinihimas niya at pinauusukan, sa tanghali, manok pa rin, at sa gabi bago matulog, manok pa rin ang himas niya! Kapag maulan, ang una niyang maiisip, baka mabasa manok niya, kapag mainit, sisiguraduhin niya na may tubig sila! Nagseselos na tuloy ako dahil parang mas anak pa ang turing niya sa mga manok niya kesa sa akin! Gusto ko na tuloy maglayas ng bahay! Ano ba ang maipapayo mo Tito Alex?

JK ng San Pablo, Laguna

 

Hi JK,

Nagseselos ka sa mga manok eh hindi mo ba alam kung anong purpose nila? Isasabong sila ng tatay mo! At kapag natalo, gagawing tinola! Ikaw, kahit kelan hindi ka isasabong ng tatay mo dahil anak ka niya! Kaya huwag ka magselos sa mga manok unless gusto mo rin isabong ng tatay mo! Kaya matakot ka kapag ikaw na ang hinihimas-himas ng tatay mo at pinauusukan, ibig sabihin, ikaw na ang next na isasabong! Baka magising ka na lang, nilalagyan ka na ng tari ng tatay mo!

*

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] or facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007.

Share This Article
372 Comments