Baby agad?

Tempo Desk
2 Min Read
GLAIZA de Castro and David Rainey (FB)

 

BY ROWENA AGILADA

 

GLAIZA de Castro and David Rainey (FB)
GLAIZA de Castro and David Rainey (FB)

Engaged pa lang si Glaiza de Castro at wala pang detalye kung kailan at saan ang kasal nila ng Irish fiancé niyang si David Rainey, humihirit na ang kanyang fans and supporters na mag-baby na agad sila.

Sigurado raw kasing maganda o guwapo ang magiging anak nina Glaiza at David.

May mga nagpayo pang damihan nila ang anak para madagdagan ang magagandang lahi.

Blue eyes si David, kaya tiyak na may magmamana sa mga magiging anak nila ni Glaiza.

Tanggap na din ng pamilya ni Glaiza si David.

Nakasama nila ito sa Baler, Quezon noong nagsimula ang lockdown dahil sa pandemic.

Nag-enjoy si David sa buhayprobinsiya na minsan ay siya pa ang namamalengke.

 

ANGELICA Panganiban
ANGELICA Panganiban

Gimik lang

Kung happy heart si Glaiza de Castro, kumusta naman kaya ang BFF niyang si Angelica Panganiban? Ano na kayang nangyari sa foreigner guy na inirereto ni Glaiza kay Angelica?

The same guy kaya ‘yung napabalitang diumano’y bagong nagpapatibok ng puso ni Angelica?

 

ANDREA Torres (FB)
ANDREA Torres (FB)

Di pinabayaan

Hindi pinabayaan ng GMA7 si Andrea Torres matapos silang maghiwalay ni Derek Ramsay.

Agad siyang binigyan ng project.

Si Derek kaya, may bago ring project?

Share This Article