May swerte, may malas

Tempo Desk
3 Min Read

 

Contents
BY ALEX CALLEJAAng column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!*Hi Alex,Dahil sa mga kamalasan na nangyari ngayong taon 2020 at bagong taon na bukas, ano ang masasabi mo sa taong 2021? Sweswertehin ba tayo o mamalasin? Mapuputol na ba ang sumpa o matutuloy pa rin sa 2021?Hanz ng Quezon CityHi Hanz,Hindi kaya dapat ikaw ang nakakaalam niyan kasi kapangalan mo si Master Hanz Cua? Sa totoo lang hindi ako eksperto dyan at tayo namang mga tao ang gumagawa ng kapalaran natin. Pero minsan naniniwala na rin ako may swerte at malas kasi itong 2020, mukhang sobra talaga. Pero umaasa ako na mas gaganda ang 2021 kase sa 2020 dahil ito ang Year of the Ox. At dahil Year of the Ox, mas oks ito kumpara sa nakaraang taon! Sa lahat ng nakagets, oks kayo sa akin! Happy new year sa inyo at sa family nyo!*Hi Alex,Kapag papapiliin ka Kuya Alex, anong vaccine ang mas gusto mo, yung available pero 50% lang ang effectiveness o maghihintay ka sa matagal pa pero 90% ang effectiveness? Yan kasi ang nakikita kong magiging choices ng bansa natin eh.Felipe ng Pasay CityHi Felipe,Sa totoo lang, real talk, willing to wait ako sa 90% kasi mas mapapanatag ang loob ko! Parang nanliligaw lang yan! Hindi mo tatanggapin ang available pero hindi ka naman sure kung magtatagal kayo. Hihintayin mo ang tamang tao, at maghihintay ka dahil alam mong may takdang panahon! Kaya nga sa exam, ang passing grade ay 75% at hindi 50%. Mas gugustuhin mong makakuha ng grade na 90% kesa sa 75%. So mas ayaw mo ng 50%! Saka may terminology sa mga ospital na kapag naghihingalo ka, 50-50 ka! So mahirap ang 50% talaga! Kahit nga sa sugal na sabong, kahit 50% ang chance mo manalo, delikado pa rin kasi hindi mo alam kung malas o swerte ka! Sabi nga ni Yorme Isko, ayaw ko ng tapwe, gusto ko bentanobs! Happy new year sa’yo at sa family mo!*Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

BY ALEX CALLEJA

 

 

aex alexsyon alex calleja

 

Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*

Hi Alex,

Dahil sa mga kamalasan na nangyari ngayong taon 2020 at bagong taon na bukas, ano ang masasabi mo sa taong 2021? Sweswertehin ba tayo o mamalasin? Mapuputol na ba ang sumpa o matutuloy pa rin sa 2021?

Hanz ng Quezon City

 

Hi Hanz,

Hindi kaya dapat ikaw ang nakakaalam niyan kasi kapangalan mo si Master Hanz Cua? Sa totoo lang hindi ako eksperto dyan at tayo namang mga tao ang gumagawa ng kapalaran natin. Pero minsan naniniwala na rin ako may swerte at malas kasi itong 2020, mukhang sobra talaga. Pero umaasa ako na mas gaganda ang 2021 kase sa 2020 dahil ito ang Year of the Ox. At dahil Year of the Ox, mas oks ito kumpara sa nakaraang taon! Sa lahat ng nakagets, oks kayo sa akin! Happy new year sa inyo at sa family nyo!

*

Hi Alex,

Kapag papapiliin ka Kuya Alex, anong vaccine ang mas gusto mo, yung available pero 50% lang ang effectiveness o maghihintay ka sa matagal pa pero 90% ang effectiveness? Yan kasi ang nakikita kong magiging choices ng bansa natin eh.

Felipe ng Pasay City

 

Hi Felipe,

Sa totoo lang, real talk, willing to wait ako sa 90% kasi mas mapapanatag ang loob ko! Parang nanliligaw lang yan! Hindi mo tatanggapin ang available pero hindi ka naman sure kung magtatagal kayo. Hihintayin mo ang tamang tao, at maghihintay ka dahil alam mong may takdang panahon! Kaya nga sa exam, ang passing grade ay 75% at hindi 50%. Mas gugustuhin mong makakuha ng grade na 90% kesa sa 75%. So mas ayaw mo ng 50%! Saka may terminology sa mga ospital na kapag naghihingalo ka, 50-50 ka! So mahirap ang 50% talaga! Kahit nga sa sugal na sabong, kahit 50% ang chance mo manalo, delikado pa rin kasi hindi mo alam kung malas o swerte ka! Sabi nga ni Yorme Isko, ayaw ko ng tapwe, gusto ko bentanobs! Happy new year sa’yo at sa family mo!

*

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]

facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

Share This Article