Positibo!

Tempo Desk
1 Min Read
ALFRED Vargas (FB)

 

BY JUN NARDO

 

 

Maganda ang pananaw ni Congressman Alfred Vargas sa bagong platform na streaming para sa 10 movies na kalahok sa 2020 Metro Manila Film Festival kasama ang prinodyus at pinagbidahang “Tagpuan” na dinirek ni Mac Alejandre.

“If we can prove that this will work, dadami lalo ang pelikula natin. Maraming magpoproduce at marami ang actors na magkakatrabaho at iba sa industriya natin,” rason ni Cong. Alfred.

 

ALFRED Vargas (FB)
ALFRED Vargas (FB)

 

Dagdag niya, “Kahit saan kang sulok ng mundo, you can access it at mura siya! Sugal ito as a producer but we are hoping na tatangkilikin publiko!”

Reunited sila sa movie ni Iza Calzado na ilang beses na niyang nakasama sa TV at pelikula.

Hindi ba siya na-in love kay Iza noon?

“Ka-in love in love naman si Iza. Napakaganda, napakabait. Siguro nung medyo bata pa kami.

“Pero ngayon, may kanya-kanya na kaming buhay, I’m happy na nandoon pa rin ang respect, ‘yung friendship namin.

“She’s actually my kumare. Ninang ng panganay ko kaya ganoon kami ka-close!”

Share This Article
3 Comments